Course
 Offerings

 GTP Course

 ATEP Course

 Summer Offerings

 Tagalog Modules
   
 Mission Studies

 Admission

 Enrollment  

     
TALAKAYAN AT ARAL NG LAYKO SA BAYAN NG DIYOS
(TAGALOG MODULES)
 
Ang Programa

Sino ang Maaaring Lumahok?

Sino ang Maaaring Makakuha ng Certificate?

Ang mga Modyul para sa 2009-2010


Ang Programa
Layunin ng programang ito na maimulat ang kamalayan ng layko (nakararaming binyagan) sa yaman at lawig ng minanang pananampalataya. Sasanayin ang mga kalahok sa pagtuklas ng kanilang kakayanang mapagyaman at maiugat sa sariling kalinangan at karanasan ang pananampalatayang kristiyano. Sisikapin na ang mga pag-aaral ay PAYAK o madaling maintindihan, sa SARILING WIKA Pilipino na may halong unting Ingles, at ABOT-KAYA ng bulsa ng ordinaryong mamamayan. Bahagi ng proseso ng bawa’t sesyon ang paghikayat sa aktibong pakikilahok ng mga kasapi.

Sino ang Maaaring Lumahok?
Maaaring lumahok ang mga pinuno, volunteers at mga kasapi ng iba’t-ibang samahan sa parokya sa loob at kapaligiran ng Metro-Manila. Bukas din ito sa mga indibidwal, mga religious educators, pastoral workers at iba pang nagnanais na mapalawak ang kanilang kaalaman sa pananampalataya.

Sino ang Maaaring Makakuha ng Certificate?
Ang sinumang nakadalo sa lahat ng sesyon para sa isang modyul ay makakukuha ng Certificate of Participation.

Ang mga Modyul para sa 2009-2010
 
Modyul 1 at 2
Ang Katipunang Kristiyano at Ang Banal na Salu-salo
 
Tatalakayin sa unang modyul ang iba’t-ibang pag-unawa ng simbahan sa kanyang papel at misyon at ang mga naging pakikilahok ng layko sa gawain ng katipunan sa kasaysayan. Tutuunan din ng pansin ang isang modelo ng simbahan na isinulong ng Ikalawang Konseho ng Pilipinas (PCP II) na angkop sa ating kalagayan at panahon, ang Simbahan ng mga Dukha.

Sa pangalawang modyul, pag-aaralan ang kahulugan ng pangunahing pagdiriwang ng Katipunang Kristiyano, ang Banal na Salu-salo (Eukaristiya), at ang hamon na maghating-kapatid sa salu-salo ng buhay.

 
Modyul 3 at 4
Mga Panahon ng Pagdiriwang ng Katipunang Kristiyano
 
Nilalayon ng mga modyul na ito na makatulong sa paghahanda ng mga parokya at ng mga nakararaming binyagan sa pagdiriwang ng Adbiyento, Pasko, Kwaresma at Pagkabuhay. Ang unang modyul ay patungkol sa Adbiyento at Pasko at ang pangalawang modyul ay patungkol naman sa Kwaresma at Pagkabuhay. Sa bawa’t panahon ng pagdiriwang, magkakaroon ng pagpapaliwanag ng kahulugan ng pagdiriwang at ng mga pagbasa sa panahong ito, ng mga praktikal na kaalaman para sa pagdiriwang ng parokya (mga sagisag, mga awiting liturhiko, mga rubriko) at pag-unawa sa mga popular na debosyon na kaugnay nito. Ang mga modyul sa Adbiyento/Pasko at Kwaresma/Pagkabuhay ay pasisimulan ng panayam hinggil sa mga panahong liturhiko (liturgical seasons)